Para lang may Laman ang May 2004 Archive ko. :)
Gusto kong magsulat. Pero tinatamad ako. Or siguro talagang wala lang akong masulat. O siguro nahihiya ako't baka may nakakabasa nitong blog ko na taong malapit sa akin. Nahihiya ako dahil alam nila kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko pero wala akong idea kung ano iniisip nila. Pinilit kong magsulat ng pabiro dahil kahit ako mismo eh nalulugmok pag nababasa ko ang mga nauna kong pinagsusulat. Ngayon, naiinis ako dahil feeling ko, wala nang sumeseryoso saken.
Hay.
Posted at 06:50 am by Nei